-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hustisya ang sigaw nga pamilya ng dalawang mga biktima ng pamamaril-patay sa may Purok 6, Barangay Kolambugan, Sibagat, Agusan Del Sur nitong nakalipas na araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Arnel Daguim Gano, 40-anyos, may asawa, isang chainsaw operator at Villamor Joregie Badao, may asawa, magsasaka at dating CAFGU member, na parehong residente ng Purok- 2 ng natura ring barangay.

Ayon sa tatlong kasamahan ng mga biktima, namumutol umano sila ng Falcatta dakong alas 7:00 ng umaga nang bigla na lang dumating ang armadong kalalakihan at inilayo sa kanila ang dalawa at kina-usap hanggang sa umalingawngaw na lamang ang anim na putok ng armas.

Nakita na lamang nilang nakabulagta na ang dalawa habang kaagad namang tumakas ang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga tauhan ng Communist Terrorist Group na sakop ng SECOM 21 ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).