-- Advertisements --

2 ang patay sa nangyaring pamamaril sa US naval base sa Florida.

Kinumpirma rin ng Escambia County Sheriff Office na napatay nila ang suspek.

Agad na isinara ang Naval Air Station Pensacola matapos na pumutok ang nasabing balita.

Ang naval air station ay mayroong 16,000 military personnel at mahigit 7,000 sibilyan.

Ipinaalam na rin kay US President Donald Tump ang pangyayari at kanila na itong pinag-aaralan.