CENTRAL MINDANAO-Patay ang dalawa katao sa nangyaring pananaga sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga biktima na sina Rolando Salcedo 56 anyos at si Felix Arigola 74 anyos na kapwa mga residente ng Sitio Baing, Barangay Barangiran Alamada Cotabato.
Ang suspek ay si Richel Nikor 33 anyos na di umanoy dating manugang ni Salcedo.
Hiwalay ito sa asawa dahil iresponsable sa pamilya at laging naglalasing.
Ayon sa ulat ng Alamada PNP nag-iinuman ang mga biktima at suspek di kalayuan sa kanilang tahanan.
Nang malasing si Nikor ay kumuha ng itak at pinagtataga ang dalawang matanda.
Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay.
Sa follow-up operation ng mga pulis katurang ang mga myembro ng BPAT ay nahuli ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong double murder kung saan nakapiit na ito sa costudial facility ng Alamada PNP.