-- Advertisements --
tuguegarao
Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Kinumpirma ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) na dalawa na ang kumpirmadong patay sa pagkalunod kaugnay sa pananalasa ng bagyong Falcon sa Cagayan.

Ayon kay Rogie Sending ng CPIO, narekober na ang bangkay ni Carlos Zedong, 45, matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa Dummun river sa bayan ng Gattaran.

Ibinilang na rin sa casualty ng bagyo si Judith Berbano, 43, na hindi pa rin makita matapos tumaob ang bangka sa Abulug river habang kumukuha ng panggatong.

Samantala, sinabi ni Franco Lopez ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-2, nakabalik na rin sa kanilang mga tahanan ang nasa 75 pamilya o 327 indibidwal na inilikas sa 12 evacuation center mula sa apat na bayan sa lalawigan.

Habang nananatiling stranded sa Aparri port ang 20 pasahero na bibiyahe patungong Camiguin at Calayan island.