-- Advertisements --

MOUSOUNI ISLAND, India – Patay ang dalawang katao sa pananalasa ng Cyclone Bulbul sa India at southern Bangladesh nitong araw.

Aabot na rin sa dalawang katao ang pinalilikas ng mga awtoridad sa naturang mga bansa dahil sa epekto ng naturang bagyo.

Ito ay kahit pa humina at nagsimula nang tumawid ang Cyclone Bulbul sa West Bengal ng India at Khulna coast ng Bangladesh dakong alas-9:00 ng gabi (1500 GMT).

Batay sa special bulletin ng Meteorological Department ng Dhaka, aabot ng 120 kilometers per hour ang taglay na lakas ng hangin ng Cyclone Bulbul.

Kaya naman pansamantalang sarado at walang operasyon ang mga paliparan at mga pantalanbago pa man tumama ang full force ng bagyo.

Isa ang nasawi matapos na mabagsakan ng nabunot na kahoy sa Kolkota, habang ang isa naman ay nabagsakan ng pader sa Odisha state.

Samantala, ipinadala na ang Bangladeshi government ang kanilang mga sundalo sa ilang mga apektadong lugar, habang nasa humigit kumulang 55,000 volunteers naman ang nag-iikot para ilikas ang mga residente lalo na ang mga nakatira sa mga bahain na lugar.