-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na nialigtas ng mga doktor ang dalawang motorista matapos mabangga ng isang pribadong sasakyan habang tinatahak ang daan patungong El Salvador City,Misamis Oriental.

Kinilala SPO1 Richard Britanya ang mga nasawi na sina Rodel Lamantucan ng Alubijid Misamis Oriental, Gleserio Baja na taga-Barangay Pagatpat ng syudad subalit ipinanganak sa Bohol.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang motorista sa isang trailer truck at bigla nitong masalubong ang isang nissan navarra na minaneho ng isang BJMP member.
Napag-alamang walang helmet ang dalawang biktima nang maaksidente sa lugar.