-- Advertisements --
NAGA CITY – Tinutugis na ng pulisya ang driver ng isang bus na sumalpok sa isang motorsiklo sa Camarines Sur na siyang ikinsawi ng dalawang tao.
Batay sa ulat ng Camarines Sur Provincial Police Office, binabaybay ng bus na minamaneho ni Ricky Balon ang kahabaan ng kalsada sa Brgy. Liboro.
Pero nang mag-overtake umano ang isang sasakyan ay hindi nito napansin ang motor na minamaneho ng isang Joey Ortilla kasama ang backride nito.
Nagtamo ng malubhang sugat ang dalawa at idineklarang dead on arrival nang dalhin sa pagamutan.