-- Advertisements --

Dalawang patay sa magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Makati at sa Tondo Maynila.

Dakong alas-2:00 nitong Martes ng madaling araw ng sumiklab ang sunog sa residential area sa Pilapil St., Dagupan, Tondo sa Maynila kung saan patay na ng matagpuan ang tatlong taong gulang na batang babae.

Itinaas pa sa ikatlong alarma ang nasabing sunog kung saan nagtulong-tulong na rin ang mga residente doon para maapula ang sunog.

Posibleng nakatulog daw ang biktima kaya hindi na ito nakalabas sa kanilang bahay.

Samantala, patay din ang 25-anyos na lalaki sa nangyaring sunog na sumiklab sa Barangay Olympia sa lungsod ng Makati nito namang nakalipas na Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jeremiha Rizon, 25, may kapansanan, kung saan naipit daw ito sa tinitirhan nitong bahay.

Umabot naman sa mahigit isang oras bago ito tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection.

Naapektuhan naman ang 18 pamilya na nakatira sa 12 mga bahay.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng dalawang sunog sa Makati at Maynila.