-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay San Isidro Galas, Quezon City.
Nagsimula ang sunog pasado alas-2 ng umaga nitong Huwebes sa residential area.
Matapos ang mahigit isang oras ng makontrol na ang sunog ay tumambad ang bangkay ng dalawang biktima sa loob ng isang bahay na nasunog.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.