-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang mag-ina sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Villanora Librando, 46, at ang 10-anyos niyang anak na si Bernadette.
Habang sugatan naman ang mister ni Villanora at ama ng bata na si Jimmy Librando.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Purok 7, Barangay Poblacion, Carmen, North Cotabato ay bigla silang sinalpok nang kasalubong na motorsiklo.
Tumilapon ang mga mag-ina sa motorsiklo at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada kaya agad itong binawian ng buhay.
Habang ang mga sugatan ay naisugod sa pagamutan at nagpapagaling.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa naturang pangyayari.