Dalawa ang binawian ng buhay matapos inararo ng isang water tanker truck sa Barangay Baldoza, La Paz, Iloilo City.
Ang mga namatay ay sina Oliver Dela Cruz at isan menor-de-edad na si Jay Ann MascariƱas.
Kabilang naman sa mga sugatan ay si Bombo Charrie Sumagpao na nag-cocover ng unang aksidente at maging ang imbestigador na si Police Staff Sergeant Ricky Ardamoy ay nadamay rin.
Napag-alaman na habang nag-rereport si Bombo Charrie sa unang aksidente kung saan bumangga ang truck sa isang lechon stand at isang botika, biglang may nagpaandar sa nasabing truck at nawalan ng control kung saan dumiretso ito sa kinatatayuan ni Bombo Charrie kasama ang iba pang mga tao sa lugar.
Laking pasasalamat naman nito na may humila sa kanya kung kaya’t hindi nagulungan ng truck ang kanyang ulo.
Patuloy naman na ginagamot sa ospital ang iba pang mga biktima kabilang na ang reporter ng Bombo Radyo Iloilo.