CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng ng kasong paglabag sa Republic Act 8494 (Illegal practice of Phil. Dental Act of 2007) sa Municipal Circuit Trial Court Cauayan City ang inaresto ng NBI Isabela na dalawang pekeng dentista sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Supervising Agent Christopher Mesa ng NBI Isabela Field Office na ang dalawang kababaihan ay inaresto matapos maaktuhang nagsasagawa ng paglilinis ng ngipin.
Ang inrestong mga pekeng dentista ay sina Jinky Gammad, residente ng Zone 3 , San Mariano, Isabela at Sherica Innah Bautista, residente ng Zone 2, San Mariano, Isabelea at kapwa nagtratrabahao sa isang Dental Clinic sa Maharlika Highway, District 1, Cauayan City.
Ang may-ari naman ng Dental Clinic na isang dentista kung saan nagtatrabaho ang dalawang pekeng dentista ay ang Phil. Dental Association na ang bahalang magsampa ng kaukulang kaso.