-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng Police Regional Office ng Northern Mindanao ang umano’y dalawang persons of interest na sangkot sa pagpaslang sa barangay kapitan ng Napaliran, Balingasag Misamis Oriental.

Kinilala ni PRO-10 spokesperson Police Lt. Colonel Surkie Serenias ang mga nahuli na sina Lary Camama at Cherry Ann Salvacion.

Naniniwala si Serenias na madidiin sa kinasasakungtang kaso ang dalawang akusado kung magiging matibay ang ipi-presentang ebidensya ng mga police investigators sa kanila sa korte.

Una rito, sinabi ni Police Capt Ismael Virgel Gundaya, hepe ng Balingasag municipal police station sa Bombo Radyo na isang riding in tandem ang pumatay kay Napaliran Brgy Kapitan Claver Miral sa kasagsagan ng Easter Sunday Celebration sa probinsya.