-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakatakda nang dalhin papuntang Singapore sa darating na Hunyo 4 ang dalawang Philippine eagle bilang bahagi ng breeding loan agreement sa pagitan nila ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng Philippine Eagle Foundation (PEF) na aabot sa 400 na pares ng mga adult Philippine eagle ang nasa bansa kahit na limitado na lamang ang mga virgin forest na tirahan ng mga ito.

Para maprotektahan ang mga agila, suportado ng lokal na pamahalaan ang 200 na forest guard para matiyak na mababantayan ang mga ito habang nasa kagubatan.

At upang madagdagan ang bilang ng mga agila, dadalhin ang dalawa nito sa Singapore at isasailalim sa 10 year wildlife loan agreement sa pagitan ng Department of Environment and Resources at Wildlife reserved Singapore.

Ayon kay Dr. Jayson Ibañez, director ng PEF, kung magtatagumpay ang nasabing hakbang, dadalhin pabalik sa bansa ang mga agila at pakakawalan sa mga kagubatan para muling dumami ang populasyon nito.

Samantala, ang larawan ng agilang naka-post sa artikulong ito ay mula sa Philippine Eagle Foundation.

Nabatid na “Sambisig” ang pangalan ng naturang agila na isa sa mga dadalhin sa Sinagpore.

Siya ay 17-year-old captive-bred female Philippine eagle.