-- Advertisements --

Sugatan ang dalawang piloto at tatlong crew matapos mag-crash ang isang chopper sa Sangley Airport sa Cavite City kaninang umaga.

Napag-alaman na nagtake-off ang Naval Helicopter NH432 sa nasabing airport para sa functional check flight matapos ang 400 hour scheduled maintenance inspection.

Pero nang nasa third sortie na ang aircraft nag-crash ito nang magtangkang mag-landing.

Ayon kay Navy Spokesperson Commander John Percie Alcos, nagtamo lang ng mga sugat at mabilis naman na nailigtas ang 2 piloto at 3 crew at kasalukuyang nasa maayos na kalagayan ngayon.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ang dahilan ng pag-crash ng aircraft.

Samantala, sinuspinde na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng landing at take-off operations sa Sangley Airport ngayon dahil sa nag crash na military aircraft.