-- Advertisements --

STRASBOURG, France – Patay ang dalawang piloto nang magbanggaan ang dalawang fighter jets sa Eastern France.

Isang co-pilot naman ang nag-eject at nakaligtas.

Ang aksidente na kinasasangkutan ng dalawang Rafale Jets ay nangyari sa lalawigan ng Meurthe-et-Moselle, kanluran ng lungsod ng Strasbourg, ayon kay Defense Minister Sebastien Lecornu.

Ang nakaligtas na piloto ay nilalapatan na ng lunas.

Sinabi ng French Air and Space Force na ang dalawang eroplano ay nagbanggaan habang pabalik mula sa isang supply mission sa Germany.

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay sina French President Emmanuel Macron at Minister Sebastien Lecornu sa mga pamilya ng mga nasawi.