-- Advertisements --

Naglunsad na ng imbestgasyon ang transport ministry ng Indonesia matapos na makatulog sa kasagsagan ng flights ang dalawang piloto ng Batik Airlines.

Base sa preliminary report ng National Transportation Safefty Committee na ang kapwa nakatulog ng sabay sa loob ng 28 minuto ang pilot at co-pilot nito sa flight mula Kendari sa Southeast Sulawesi province patungo sa Jakarta.

Dahi sa insidente ay nagresulta ito ng navigational errors kung saan wala sa tamang flight path ang nasabing eroplano.

Wala namang nangyaring masama sa 153 pasahero at apat na attendants at maging ang eroplano ay hindi nagtamo ng anumang pinsala dahil sa pangyayari.