-- Advertisements --

Maayos na ang kalagayan ng dalawang piloto na sakay ng bumagsak na OV 10 aircraft ng Philippine Air Force (PAF).

Matatandaang bumagsak ito kahapon sa katubigang bahagi ng Sangley Point, Cavite.

Ayon kay PAF spokesperson Maj. Aris Galang, na-rescue ng mga mangingisda ang dalawa at mabilis namang naisugod sa Major Danilo Atienza Air Base Hospital.

Sa kabila nito, magkakaroon pa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa pangyayari upang hindi na maulit ang kahalintulad na pangyayari.