Kinumpirma ng pamunuan ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) na patay ng matagpuan ang dalawang piloto na sakay sa nawawalang FA-50 fighter jets habang nagsasagawa ng tactical night operations.
Ayon kay Eastmincom Commander Lt. Gen. Luis Rex Bergante, kanila ng natagpuan ang aircraft sa Mt. Kalatungan sa Bukidnon kung saan nakita na nasa loob pa ang dalawang piloto na wala ng buhay.
Sinabi ni Bergante na ginagawa na nila ang lahat ng makakaya para maibaba ang cadaver ng dalawang piloto.
Inihayag din ng heneral na batay sa naging ulat sa kaniya ng mga tropa, wasak ang nasabing aircraft subalit nilinaw na hindi ito sumabog.
Sa ngayon naka cordon na ang lugar ng pinagbagsakan ng FA-50 fighter jet para sa gagawing imbestigasyon.
Sa ngayon binabantayan na ng mga sundalo ang lugar.