-- Advertisements --

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawang naarestong pinaghihinalaang miyembro ng komunistang grupo sa Midsalip Zamboanga del Sur.

Ang mga ito ay kinilalang sina Jaymar Bellano at Gemma Ayas, parehong residente sa bayan ng Dumingag sa parehong probinsya.

Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command, naharang umano sa isinagawang checkpoint ng mga otoridad ang dalawang papatakas na suspek kasunod lamang sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng 53rd Infantry Battalion at ng mga miyembro ng New People’s Army sa Dumingag.

Ang mga ito ay nakuhanan ng perang nagkakahalaga ng higit P6,000.00, 16 na lighters, 8 jogging pants, 5 sweatshirts, 6 na cellphone at iba pang mga personal na kagamitan.