Inumpisahan ng talakayin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) ang konstruksiyon ng mga subway at railway projects sa lungsod.
Una ay ang Metro Manila Subway na dating tinatawag na Mega Manila Subway na isang 36 kilometer underground rapid transit line sa Metro Manila na dadaan sa Quezon city, Pasig city, Makati, Taguig, Parañaque City, at Pasay City.
Ito ay binubuo ng 15 istasyon sa pagitan ng East Valenzuela at Bicutan stations.
Ikalawa, ipapatayo din sa lungsod ang train stations at depots ng North-south Commuter Railway (NSCR) na proyekto ng DOTr at ng PNR na magkokonekta sa centers ng Clark at New Clark cities sa north patungong central Manila cities at Calamba city sa south.
Ang dalawang proyekto ayon sa lokal na pamahalaan ay itinuturing na biggest infrastructure project sa bansa.
Makakatulong din ang naturang proyekto sa mga residente sa lungsod at karatig na siyudad hindi lamang sa mas mabilis na transportasyon kundi magbibigay din ito ng oportunidad sa trabaho.