-- Advertisements --
LAOAG CITY – Dumagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 ang dalawang overseas Filipino worker sa bansang Kuwait kung saan umabot na sa 1,915 ang kaso ng naturang virus.
Kinumpirma ito ni Mrs. Mercy Roldan Bayudan, domestic helper sa Kuwait matapos malaman ang balita mula sa mga kapwa niya OFW.
Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag, sinabi ni Bayudan na nagtatrabaho ang dalawang OFW sa Hawali, Kuwait at tubong Iloilo at lalawigan ng Cebu.
Aniya, mayroon din ilang OFWs ang nakarekober sa virus kasama na ang mga residente sa Kuwait.
Mahigpit naman ang pagpapatupad ng lockdown sa lugar dahil halos gabi-gabi ay may naaresto matapos lumabag sa mga patakaran.
Maayos naman ang kalagayan ni Bayudan dahil mabait ang kanyang mga amo.