-- Advertisements --
Pasok na sa Tokyo Olympics ang mga Pinay golfers na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.
Ito mismo ang kinumpirma ng Philippine Sports Commission sa pagpasok ng 2 Pinay golfer.
Ang 19-anyos na si Sao ay nagwagi sa US Womens Open Champion at pang siyam sa Olympics Golf Ranking.
Habang si Pagdanganan ay Asian Games at Southeast Asian gold medalist na nasa 42nd Olympic rankings ng International Golf Federation.
Ang dalawa ay siyang pang 16 at 17th na atletang Pinoy na nakapasok na sa Tokyo Olympics.
Magugunitang unang nakapasok sa Olympic ang 43-anyos Pinoy golfer na si Juvic Pagunsan.