-- Advertisements --
Sasabak pa ngayon sa final round ng women’s individual stroke event ng 2024 Paris Olympics ang mga Pinay golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.
Nakausad na si Pagdanganan sa joint 13th habang si Ardina ay nasa 13 spots mula sa 23rd matapos ang round 3.
Nagkaroon ng 73 na tira si Pagdanganan para makausad sa pitong spots na mas mababa.
Mayroon itong bogeys sa mga holes ng 4,8,12 at 17 at 2-under par na may kabuuang 214.
Habang si Ardina ay may 69 na nagtala ng birdies sa mga Holes 4,6,8 at 17 at isang eagle sa last hole at mayroong plus 1 na may total na 217.