-- Advertisements --

Hawak ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay na hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na gagawin daw sanang surrogate mother sa China.

Ang surrogate mother ay nakikipagkasundo na siyang magbubuntis at manganganak para sa anak ng ibang tao.

Ayon kay BI Port Operation Division Chief Grifton Medina, nag-check in umano ang dalawa sa Cebu Pacific flight na papuntang Hongkong nang sila ay harangin ng mga miyembro ng travel control and enforcement unit (TCEU) sa immigration departure area ng NAIA Terminal 3.

Inamin naman daw nina Alyas Ria, 32 at Alyas Ellie, 28 na nakipagkasundo silang maging surrogate mother kapalit ng P300,000 at dahil na rin sa hirap ng buhay. 

“They immediately confessed during interview that they were actually bound for China where their services as surrogate mothers were engaged for a fee of P300,000,” wika ni Medina sa kanyang report kay BI Commissioner Jaime Morente.

Noong nakaraang taon, 32 na kababaihan din ang hinarang dahil sa kaparehong kaso.

Papunta raw ang mga Pinay sa Cambodia para maging surrogate mothers sa isang illegal surrogacy ring supplying services para sa mga Chinese clients.