-- Advertisements --

Mag-uuwi ng silver medal ang dalawang pambato ng bansa sa 2021 Asian Karate Championships.

Kapwa kasing hindi nagtagumpay sa kanilang final matches sina Jamie LIm at Junna Tsukii sa torneo na ginanap sa Baluan Sholak Sports Palace sa Almaty, Kazakhstan.

Nakaharap ni Tsukii sa 50 kg. ang pambatao ng Kazakhstan na si Molder Zhangbyrbay.

Habang nabigo si Lim sa kamay ng 20-anyos na si Sarah Alameri ng United Arab Emirates sa female kumite 61 kgs.

Nagkamit naman ng bronze medal si Sakura Alforte sa women’s individual kata ganun din sa under 21 female kata.

Magugunitang ilang mga pambato ng Pilipinas ang nakapag-uwi na rin ng medalya sa nasabing torneo na kinabibilangan nina Remon Misu na nagwagi ng bronze medal at John Enrico Vasquez ng under 21 sa men’s kata na nagwagi ng bronze medal.