ILOILO CITY – Kulong ang dalawang Filipina Domestic helper matapos umanong masangkot sa multi-million-dollar online sex service sa Hong Kong.
Ang dalawang Pinay ay kinilalang sina Jo-An Palpal-Latoc, 45, na hinatulan ng pitong buwang pagkakabilanggo; at Jeanette Villaflores Gallego, 47, at kulong ng 10 buwan.
Ayon kay Bombo International Correspondent Merly Bunda, direkta sa Hong Kong, sinabi nito na ang employer ng dalawa ay si Wong Pui-ting, 68, siyang utak ng high-end sex booking syndicate sa Hong Kong kung saan ang kanilang tanggapan ay nasa luxury flat sa Tavistock 2 sa Tregunter Path, Mid-Levels.
Napag-alaman na ang employer nina Latoc at Gallego ay dating prostitute at nagtayo ng anim na online sex bookings services kung saan ang dalawang Pinay ang nagsilbi nitong mga assistant.
Si Wong ay may P1.5-billion na total earnings, samantala si Latoc naman ay may kitang P9-million.