![image 462](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/10/image-462.png)
Inanunsyo ng Israeli government na kabilang ang 2 Pilipino sa kasalukuyang bihag ng Hamas.
Mahigit sa kalahati ng tinatayang 220 hostages na hawak ng Palestinian group na Hamas ay may mga dayuhang pasaporte mula sa 25 iba’t ibang bansa.
Ayon sa gobyerno ng ISrael, na 328 katao mula sa 40 bansa ang nakumpirmang patay o nawawala pagkatapos ng pag-atake ng mga ng Hamas noong Oktubre 7.
Sinabi ng nasabing bansa na 138 sa mga hostage ay may mga foreign passports, kabilang ang 54 na Thai nationals, 15 Argentinian, 12 Germans, 12 Americans, anim na French at anim na Russian.
Marami rin ang pinaniniwalaang may dual nationality, tulad ng mga Thai at limang Nepalese na bihag.
Mayroon din umanong isang Chinese hostage, isang Sri Lankan, dalawa mula sa Tanzania at dalawa mula sa Pilipinas.
Kabilang sa iba pang mga dayuhang bansa na dumanas ng matinding pagkasawi ay ang Estados Unidos, na may 34 na patay at lima pa ang nawawala.