Pasok na sa top 4 at maghaharap sa Grand Finals ng The Voice Kids UK ang mga Pinoy finalists na sina Victoria Alsina at Justine Afante.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 8-year-old Filipina-British na si Victoria, inamin nitong hindi pa rin siya makapaniwala na mabibigyan siya ng pagkakataon sa international competition, lalo na sa pagkakabilang niya sa team ng Black Eyed Peas member na si will.i.am.
“When I was singing in The Voice Kids, the crowd was cheering for me. It was just a lovely feeling to have. It feels completely like so good when you’re on stage! To get chosen by Will, wow! That’s just like a real thrill, and to sing in front of celebrity coaches, it’s just really nice,” saad ni Victoria.
Kuwento rin naman nito na ang The Voice Kids UK ang kanyang kauna-unahang kompetisyon na nasalihan, ngunit sa kanyang murang edad ay nabigyan na rin naman siya ng pagkakataon na makapagtanghal sa ilang mga events.
“I’ve had a little bit of private singing lessons, and I’ve sang at Filipino parties. Mostly, my mom teaches me singing. It’s just so much fun singing,” dagdag nito.
Maaalalang inawit ni Alsina ang Disney ballad na “How Far I’ll Go” sa kanyang blind audition, at patuloy itong nagpamalas ng galing sa mga sumunod na rounds ng kompetisyon.
Samantala, katulad ni Victoria ay itinuturing rin ng 13-year-old Pinay at Team Pixie Lott finalist na si Justine na “biggest music involvement” niya ang kompetisyon.
“I started singing when I was 2. I haven’t really done it professionally. I think I started actually performing at parties at the age of 7. I would watch so many of the singing competitions. I would sing along to them and it really is a passion. But The Voice Kids UK is the first big thing that I’ve ever done so it’s amazing,” lahad ni Justine.
Inamin rin ni Justine na sinubukan na nitong sumali sa kompetisyon noon ngunit hindi ito pinalad, kaya naman thankful siya sa malaking blessing na natanggap sa taong ito.
Sa kwento nito sa Star FM, patuloy niyang nilalabanan ang “stage fright” at dahil sa kompetisyon ay unti-unti nitong nailalabas ang kanyang confidence.
“We didn’t plan on it. It was very last minute. It’s surprising because I did actually audition before, and I didn’t get far. But this time, I did and I’m very lucky. I was really nervous. I had confidence problems before. My legs were shaking. I was shaking everywhere, but I just had to give it my all,” saad nito.
Sa kanyang blind audition, umikot ang apat na coaches at nabigyan ng standing ovation ang young singer matapos ang kanyang rendition ng kantang “Never Enough” mula sa pelikulang “The Greatest Showman”.
Pareho namang ipinangako ni Victoria at Justine na ibibigay nila ang lahat para sa nalalapit na Grand Finals.
Gaganapin ang The Voice Kids UK 2020 Grand Finals sa Sabado kung saan malalaman na kung sino ang magwawagi sa dalawang Pinoy, at sa dalawa pang finalists na sina George Elliot at Dara McNicholl.