-- Advertisements --

Dalawang Filipinong mangingisda ang naiulat na nasugatan matapos sumabog ang engine ng kanilang fishing boat malapit sa Bajo de Masinloc sa Scarborough Shoal kahapon, Sabado, June 29,2024.

Ito ang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Batay sa mga larawan na ibinahagi ng PCG, kitang kita ang damaged sa motor banca.

Namataan din sa lugar ang dalawang barko ng China Coast Guard.

Ayon sa PCG, tinangka pa ng China Coast na harangin ang gagawin nilang rescue operations sa kabila ng sinabihan sila na mayruon silang tinutugunan emergency situations.

Ayon naman kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilio na batay sa pahayag ng kapitan ng BRP Sindangan (MRRV-4407), na ang sanhi ng pagsabog ay dahil faulty battery starter motor.

Matapos ma rescue, agad dinala ng mga tauhan ng PCG ang mga mangingisda sa Subic Bay.