-- Advertisements --
Nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga opisyal ng Thailand matapos ang maiulat ang pagkawala ng dalawang Filipino.
Kinilala ang mga ito na sina Noah Ibay at Angelo Bien Rafael Cortez mula sa Cotabato City at Parang Maguindanao.
Kabilang ang dalawa sa 13 turista na nagtungo sa Freedom Beach sa Phuket.
Sinasabing tinangay ng malakas na alon ang dalawa dahil sa sama ng panahon na naranasan doon.
Sumulat na rin si Parang Mayor Cahar Ibay kay Thailand Ambassador to the Philippines Vasin Ruangprateepsaeng para agarang maligtas ang mga biktima.