-- Advertisements --
Dalawang Pilipino ang kumpirmadong patay matapos bumangga ang kanilang sinasakyang tren sa Pongakawa, New Zealand.
Ayon sa Fire and Emergency New Zealand, bandang alas-8:15 nang rumesponde ang mga otoridad sa lugar ng aksidente.
Tatlong biktima naman na nasa kritikal na kondisyon ang kaagad na itinakbo sa ospital upang bigyan ng paunang lunas.
Kinumpirma naman ng mga otoridad na walang bata ang nasaktan mula sa aksidente.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman ang dahilan ng banggaan.
Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima at tuluyan na rin na pansamantalang isinara ang bahagi ng kalsada sa Pongakawa.
(This is a developing story.)