Inaresto ang dalawang Pinoy sa Hong Kong dahil sa tangkang pag-withdraw ng $10 billion mula sa isang banko gamit ang mga pekeng dokumento.
Ang isa sa mga suspek ay isang senior na 68 anyos. Kasama niya ang isang 38 anyos na babae na nagpakilala bilang isang abogado.
Batay sa report ng Philippine consulate general sa Hong Kong, iprinisenta umano ng dalawa ang isang forged capability letter, isang guarantee letter, at isang certificate of balance mula sa Hong Kong and Shanghai Banking Corp. para ma-withdraw ang malaking halaga.
Maliban sa dalawang Pinoy, inaresto rin ng mga otoridad ang umano’y tatlo nilang kasamahan: isang Malaysian, Taiwanese at isang Chinese.
Una nang tinanggihan ng mga otoridad ang bail request ng dalawnag Pinoy ngunit nakatakda muli ang bail hearing sa Pebrero-27.
Kung mapapatunayang guilty, posibleng makulong ang mga ito ng hanggang 14 years.
Hindi muna inilabas ng konsulada ang pagkakakilanlan ng dalawa.