MONTEVIDEO, Uruguay – Ligtas na narescue ang dalawang Filipino sailors kahapon, Sabado mula sa lumubog na Korean cargo ship sa may bahagi ng Atlantic Ocean na kinumpirma ng Uruguayan navy.
Ang lumubog na Korean cargo ship ay may 24 na tripulante ang onboard at nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation.
Ayon kay Gaston Jaunsolo, tagapagsalita ng Uruguayan navy na apat na merchant ships sa lugar ang naka rekober ng tatlong rafts, at narescue ang dalawang Filipino crew members.
Ang Stella(r) Daisy, a Very Large Ore Carrier (VLOC) ay may capacity ng higit sa 260,000 tonnes, na binubuo ng 16 Filipinos at walong Koreans.
Iniulat ng Uruguayan navy nagpadala ng emercy call noong Biyernes ang nasabing barko, pero dahil malayo ito sa Uruguayan coast na may layo na 2,000 nautical miles, or 3,700 kilometers, mula Montevideo, bumuo ang navy ng search team na binubuo ng apat na merchant ships.
“The first ships to reach the scene had detected a “strong smell of fuel” and spotted debris, “an indication that the damaged ship had sunk,” pahayag ng Uruguayan navy.
Sa kabilang dako, ang bansang Brazil ay magpapadala ng aircraft sa lugar para tumulong sa search and rescue operation. (Agence France-Presse)