-- Advertisements --

Nasa 2 Pilipinong seafrer ang kumpirmadong patay matapos tamaan ang kanilang cargo vessel ng missile attack ng Houthi rebels mula Yemen habang naglalayag sa may Red Sea at Gulf Of Aden. Nitong Miyerkules.

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers ang pagkasawi ng 2 Pinoy kung saan 2 pang Pilipinong tripulante ang napaulat na matinding nasugatan sa insidente.

Una na ngang iniulat ng United States Central Command na 3 ang nasawi sa naturang panibagong pag-atake ng Houthi rebels sa Barbados-flagged Bulk carrier.

Ang pag-atakeng ito ng Houthis ay bahagi pa rin ng pakikiisa nila sa Hamas sa Gaza na patuloy na inaatake ng Israeli forces.

Inihayag din ni Houthi military spokesman BGen. Yahya Saree na isa umanong mensahe ang kanilang panibagong pag-atake na ititigil lamang nila ito sa oras na matigil na rin ang pag-atake sa mga Palestino sa Gaza strip.