-- Advertisements --

Malugod na ibinalita ng Department of Migrant Workers na nakauwi na sa bansa ang dalawang Pinoy Seaman na naiulat na nasugatan sa matapos ang nangyaring missile attack sa bansang Ukraine.

Sa isang pahayag, sinabi ni DMW Officer In-Charge Hans Cacdac na lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa Clark International Airport sa Pampanga sakay ng isang flight mula sa naturang bansa.

Isa naman sa dalawang seaman ang nabalian ng kaliwang kamay at hanggang sa ngayon ay nagpapagaling.

Nakatakda namang magbigay ng financial assistance ang ahensya para sa mga nakauwing Pinoy seafarers.

Tiniyak ni Cacdac na makatatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan ang mga nakauwing Pinoy seafarers.

Magbibigay rin ito ng pangkabuhayan kung nanaisin pa nilang bumalik sa kanilang kinasanayan na trabaho sa barko.

Ang dalawa ay isasailalim rin sa medical checkup at psychosocial counseling para matiyak ang kanilang kalagayan medikal at mental matapos ang kanilang sinapit.