-- Advertisements --

Pasok na sina Luke Gebbie at Remedy Rule para sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito ay matapos kinumpirma ng Philippine Swimming Incorporated President na si Lani Velasco, na ang dalawang swimmer ay nakakuha na ng puwesto.

Nagpasalamat rin ito sa Philippines Sports Commission dahil sa suportang ibinibigay sa mga swimmers.

Sa kabila ng pandemya, pinagkalooban pa sina Luke Gebbie at Remedy Rule ng dalawang event imbes na isa, kumpara sa mga nabigyan ng universality spots ng nakaraang Olympics.

Sinunggaban ni Gebbie, ang silver at bronze sa huling SEA Games kung saan nakatipon ito ng 828 International Swimming Federation (FINA) points sa 100-meter freestyle.

Samantala, si Rule naman na nakasungkit ng dalawang silver at tatlong bonze sa huling SEA Games sa New Clark City, ay nakakuha ng 830 FINA points sa 200-meter butterfly.

Sasabak si Gebbie sa men’s 50- at 100-meter freestyle at si Rule naman ay lalahok sa women’s 100- at 200-meter butterfly. Ang swimming events sa Olympics ay nakatakda sa July 24 hanggang August 1 sa Tokyo, Japan.