-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang dalawang PNP-Asset sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.

Nakilala ang mga nasawi na sina alyas Toks at alyas Odjie,mga PNP-Asset ng PRO-BAR.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police Lieutenant Colonel Nelson Madiwo na ang mga nasawi ay lulan ng isang kotse nang tambangan sa bahagi ng Barangay Margues Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte ng mga hindi kilalang suspek gamit ang matataas na uri ng armas.

Bumangga pa ang sasakyan ng mga biktima sa isang bahay sa gilid ng national highway.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin ng matunugan ang mga nagrespondeng pulis at mga sundalo.

Dagdag ni Madiwo na nagboluntaryong tumulong sa mga ahente ng anti-narcotics Unit ang mga biktima para mahuli ang tatlong drug dealer.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga armadong kalakihan na nanambang sa dalawang PNP-Asset.