-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – All-set na ang konstruksyon ng dalawang power substations ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) na inaasahang makokompleto ngayong taon.

Isang 20MVA ang itatayo sa Kidapawan City habang 5MVA substation naman sa bayan ng Carmen na inaasahang tutugon sa low Vvltage at tumataas na power demand.

Ayon kay Cotelco General Manager Engr Godofredo Homez, mabilis na tumataas ang peak demand dahil sa dumaraming konsumante at malapad na service area ng Cotelco dahil ng Sitio Electrification Program.

Ang pondo ng proyekto ay kinuha mula sa capital expenditures na inaprobahan ng asembliya sa taong 2015.

Paliwanag ni Homez, lagpas na sa peak demand ang Kidapawan City kaya’t minamadali ang pag aasikaso ng proyekto upang maiwasan ang power shortage.

Sa ngayon, nirerepaso na ng Cotelco ang mga kinakailangang dokumento kasabay ang preparasyon ng project-site at ang pagtayo ng 69KV lines.

Target ng Cotelco na maging operational ang dalawang substations bago magtapos ang taong 2019.