CENTRAL MINDANAO – Sumuko ang pitong mga rebelde sa pulisya sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga sumuko na sina Abdulwaris Guinomla Zailon at Rahib Paguidan Salim alyas Combo, mga miyembro nang tinaguriang Potential Private Armed Group (PPAG) at mga residente ng Barangay Pusaw, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Kasabay na sumuko sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sina alyas Rambo, alyas Mistah, alyas Yobi, at alyas Binladen, mga dating tauhan ni Mohiden Animbang alyas Kumander Karialan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan Faction).
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang kalibre .45 na pistola, isang .38 revolver, dalawang M79 grenade launcher, isang M79 GL na may kasamang tatlong live ammunition, isang RPG, at isang IED fashioned na may kasamang 81mm mortar.
Ang mga sumuko ay pormal na tinanggap ni PRO-BAR regional director Brig. Gen. Eden Ugale sa Camp SK Pindatun, Parang, Maguindanao
Nakatanggap rin ng bigas at cash assistance ang mga rebelde mula sa LGU-Maguindanao.
Nais na ng pitong sumuko na magbago at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.
Hinikayat ni Gen Ugale ang ibang BIFF, armed lawless group,mga terorista at PPGs na sumuko na habang hindi pa huli ang lahat.