-- Advertisements --

Pinaghahanap na ng mga kapulisan ng Quezon City ang dalawang preso na nakatakas.

Kinilala ang mga ito na sina John Kerwin Clemente at Ariel Consulta.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa Q.C Regional Trial Court Branch 82 ang dalawa kasama ang kanilang mga escort ng pulis ng bigla na lamang silang tumakas.

Marso 19 ng maaresto ng mga kapulisan si Clemente habang Abril 12 naman ng maaresto si Consulta.

Parehong may kinakaharap sa iligal na droga ang dalawang mga naaresto.