-- Advertisements --

Nasa dalawang prison officer sa France ang nasawi dahil sa pag-ambush sa van sa Rouen, sa Normandy, France.

Mabilis na tumakas ang mga preso na kinilala na si Mohamed Amra na may kasong robbery at abduction leading to death.

Bukod sa dalawang nasawing prison officers ay mayroong tatlong iba pa ang sugatan na dinala ang mga ito sa pagamutan.

Nangyari ang insidente habang pabalik na sa prison facility ang preso pagkagaling sa korte.

Patuloy na ang ginagawang paghahanap sa pugante.

Tiniyak ni French President Emmanuel Macron na lahat ng paraan ay kanilang ginagawa para mahanap ang tumakas na preso.