Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean nationals na wanted sa Seoul at iligal na nag-o-operate ng online gaming dito sa Pilipinas na nambibiktima sa kapwa nila Koreano.
Ayon kay Commissioner Jaime Morente ang mga pugante ay sina Lee Jongjin, 28 at Chae Kwangbeom, 40 na naaresto ng Bi Fugitive Search Unit (FSU) sa Angeles City, Pampanga.
Nag-ugat ang pag-aresto sa dalawang suspek sa iligal umanong pag-operate sa tatlong private online servers sa Angeles City.
Lumalabas na pineke ng mga banyaga ang interface adapter ng registered online game na tinatawag na “Lineage 1.â€
“We will deport them for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by the Korean government. They are also undesirable aliens for being fugitives from justice who pose a risk to public safety and security,†Morente.
Naaresto ang mga banyaga sa kanilang tinitirhang bahay sa Clark Hills Subd., Angeles City sa Pampanga.