Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 2 South Korean nationals, na wanted sa kanilang bansa dahil sa umano’y pag-aangkat ng ilegal na droga at pagtatatag ng gambling facilities, ngayong Linggo, Sept 22.
Kinilala ng ahensya ang mga ito na sina Nam Sundong, 37, at Lee Hyunhak, 23, na parehong may red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) at parehong may kanseladong passports mula sa gobyerno ng South Korea.
Ayon sa Bureau, si Nam ay wanted ng Ulsan District Court sa kanilang bansa simula pa noong 2023 dahil sa pagtatag ng gambling facilities at paglabag sa criminal act ng Korea.
Habang si Lee naman ay wanted dahil sa drug smuggling, o pag-import ng 480.85 grams ng methamphetamine sa Korea, na lumalabag naman sa Korea’s Act o Aggravated Punishment of Narcotics Smuggling.
Naka-detain na ngayon ang 2 Koreans sa Bureau of Immigration sa Taguig City habang nag-aantay ng deportation.