-- Advertisements --

Patay ang dalawang police at isang bumbero matapos ang pagresponde nila sa isang kaguluhan sa Burnsville, Minnesota.

Sinabi ni Minnesota Governor Tim Walz na mayroong pang isang pulis ang sugatan sa nasabing insidente.

Kasamang rumesponde sa lugar ang mga kasapi ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives kung saan patuloy ang palitan ng putok sa hindi pa matukoy na suspek.

Humingi ng pagdarasal para sa kaligtasan ng kaniyang kapulisan si Minneapolis Police Chief Brian O’Hara.