-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Dalawang pulis at returning OFW ang kabilang sa mga panibagong kaso ng COVID-19 sa Socksargen Region.

Ang nasabing mga pulis ay isinailalim na sa striktong monitoring at kasalukuyang nasa isolation facility ng Cotabato City.

Ayon kay Arjohn Gangoso, Department of Health-Region 12 health education and promotions officer, ang dalawang pulis ay una na ring nagpositibo sa rapid test matapos na isinailalim ang 250 mga frontliners.

Ang nasabing mga infected police officers ay isang 34-year old at 41-year na kapwa na-assigned sa checkpoints.

Ang mga ito ay maituturing din na mga asymptomatic at nasa estable nang kondisyon.

Samantala, halos 10 naman na mag OFW’s returnees ang naidagdag sa kaso ng mga nagpositibo mula sa ibat-ibang probinsiya sa rehiyon.