-- Advertisements --

Sinimulan na ang pagsailalim sa kaukulang procedures sa dalawang policewomen, matapos pinalaya ng kanilang mga abductors noong nakaraang linggo sa Sulu.

Kahapon, iniharap ang dalawang pinalayang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Personal na sinundo ni Secretary Jess Dureza ang dalawa sa nasabing probinsya kasama si Philippine National Police Chief police dir. Gen. Oscar Albayalde.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander B/Gen. Cirilito Sobejana, mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) forces sa pamumuno ni Abraham Joel ang nag-turnover sa kanya sa dalawang babaeng pulis.

Ang hand over sa dalawang pulis ay pinangasiwaan ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan matapos ang isang maikling pagpupulong sa pagitan ng MNLF Misuari faction at ng receiving party.

Una nang sinabi ni PNP Chief Albayalde na isasailalim sa counselling and debriefing ang dalawang policewomen.

Nanindigan naman ang militar na walang naging ransom na kapalit, bagkus, pinatrabaho ni Albayalde sa PNP Anti-Kidnapping Group sa pakikipagtulungan sa mga local government officials ng Sulu para mapalaya ang dalawang babaeng pulis.