-- Advertisements --

Dalawang pulis na naka-assign sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nagpositibo sa isinagawang random drug test.

Kinilala ni NCRPO chied MGen. Debold Sinas ang mga pulis na sina Cpl. Florian Peter Andres Arboleda ng Station Drug Enforcement Unit ng Sta. Mesa Police Station.

Gayundin si Cpl. Antony Romano na nakatalaga naman sa Regional Intellegence Division ng NCRPO.

Ayon kay Sinas, nahaharap ang dalawa sa mga kasong kriminal at administratibo.

Ang dalawang pulis ay kabilang sa 5,450 opisyal at tauhan ng NCRPO na sumalang sa random drug test simula noong buwan ng January.