-- Advertisements --

Patay ang dalawang pulis matapos na makipagpalitan ng putok sa Tagaytay City.

Naganap ang insidente sa Prime Peak Subdivision, Barangay Maitim 2nd Central, Tagaytay City, Cavite kung saan kinilala ang 2 nasawing pulis na sina PCapt Adrian Binalay, 43-anyos , nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR), at PCapt Tomas Batarao Jr., na sumasailalim sa schooling habang ang mga suspek ay kinilala lamang si Atty. Den, alias Ver at isang alias Ben na isa umanong retiradong sheriff.

Base sa imbestigasyon na nagtungo ang mga biktima at kasamahan nila sa lugar para bumili ng lupain subalit pinigilan sila ng guwardiyang nakatalaga doon.

Bigla na lamang nagpaputok ang suspek na kinilalang si Atty. Santos mula sa kaniyang sasakyan na agad na tinamaan ang mga biktima.

Dinala pa sa pagamutan ang biktimang si PCapt Tomas Batarao Jr. at suspek Atty. Den subalit idineklara silang dead on arrival.

Naaresto naman sa Tagaytay Medical Center ang isang suspek na si alyas Ben habang pagkatapos din ng ilang oras ay naaresto ang isang suspek na si alyas Ver.

Ipinag-utos ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director, PBGEN Paul Kenneth T. Lucas ang masusing imbestigasyon ukol sa insidente.