POLOMOLOK, SOUTH COTABATO — Binawian na ng buhay sa pagamutan ang dalawang pulis ng Polomolok PNP matapos na tinambangan pasado alas-2:00 kaninang hapon sa Barangay Proper, Polomolok, South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Col. Jemuel Siason, Provincial Director ng South Cotabato PNP, kinilala nito ang mga biktima na sina PCPL Witzel Russ Bitantos at Patrol Man Bryan Costello.
Isinugod pa sa Howard Hubbard Memorial Hospital ang mga biktima ngunit hindi na naagapan pa
Ayon kay Siason, nagsasagawa ng motorcycle patrol operation sa Barangay Koronadal Proper ng Polomolok ang dalawang pulis at pauwi na nang tinambangan ng nasa pitong mga armadong kalalakihan.
Malaki naman ang paniniwala ng opisyal na plinano ang pag-atake sa dalawang pulis.
Dagdag pa ni Siason na may lead na sila at na-identify na ang mga suspek sa krimen habang nagpapatuloy ngayon ang kanilang hot-pursuit operation sa insidente.
Nakuha sa crime scene ang ibat-ibang empty shell ng hindi pa malamang uri ng baril.
Posible umanong motibo sa krimen ay may kinalaman umano ito sa serye ng operasyon ng mga kapulisan sa lugar.
Mahigpit naman na kinundena ng kapulisan ang nangyari sa kanilang kasamahan.